Nasabi ko na ‘to dati, na mahilig ako magpaka-superhero para sa isang kaibigan, lalo na kapag sobrang malapit sa puso ko. Hindi mo lang nalalaman, pero nakagawa na ako ng ilang mga bagay na iisipin mong hindi ko kayang gawin. Handa nga akong gawin ang kahit ano, makatulong lang.
Sana lang, sa akin, mayroon ding ganun, yung magpapaka-superhero para sa kapakanan ko. Nakakapagod din magkarga sa sarili, promise.
10:41 pm • 22 April 2012 • 15 notes
Nung isang araw may nagtanong sa akin.
“Hindi ba dati, sabi pa niya sa’yo, “ang tanga naman ng mga babaeng nang-iwan sa’yo” o parang ganun ‘yung sinabi nya ‘di ba? Eh bakit pati s’ya, ganun din yata ginawa sa’yo?”
“Ewan ko.” Sagot ko sa kanya, tsaka ako tumingala. Tapos nakita ko ito.
11:55 pm • 14 February 2012
Lunes nun, tinakas ko ‘yung kotse namin at ang paalam ko eh tutugtog kami ng barkada ko. Praktis sa banda ba. Pero yung totoong pakay ng pagtakas ko nung kotse eh puntahan kita sa inyo, well at least makita man lang kita. Totoo naman na tumugtog nga kami noong barkada ko, pero nag-ninja moves pa kami nung isa kong barkada para lang makita ka.
Halimbawa, tulad ng sinabi mo na nasa isang mall ka, dali-dali kaming nagpunta nun at hinanap ka, umasa namang makikita kita kahit ba maliit yung lugar na ‘yun. Maliit ka din pa, pota.
Nung sinabi mong nakauwi ka na, dali-dali kong hinatid ‘yung barkada ko kasi kapitbahay mo lang s’ya. Natuwa naman ako na nakita nga kita. Sayang lang at hindi lang kita nayakap kasi nandoon yung nanay mo at nahihiya ako sobra sa suot ko.
Eto na naman~
8:44 pm • 30 January 2012 • 3 notes
Humigit-kumulang isang oras kaming naghihintay sa pagdating mo, hindi na nga ako naniniwalang dadating ka pa eh. Buti na lang patuloy pa din akong binibigyan ng pag-asa ng mga kasama ko, at tinatawagan ka nila para mapabilis ang pagdating mo. Sa wakas, dumating ka, saka naman ang pag-iwan sa atin ng mga naunang kasama ko.
Habang nasa unang concert na pinanuod natin magkasama, sinabi mo sa akin na sobrang paborito mo ‘yung kantang tinutugtog nung bandang nasa stage. Kitang-kita sa mga mata mo ang tuwa na makita at marinig ng live ang bandang minsang nagkwento ng nararamdaman natin sa pamamagitan ng mga kanta.
Pag-uwi ko, agad-agad kong nilagay sa cellphone ko ‘yung kantang ‘yun.
6:12 pm • 4 December 2011