Ang post na ito ay isang fiction, o kathang-isip lamang. Kung may kahalintulad ang mga mababanggit (though iiwasan ko na magbanggit na pamilyar), ito ay coincidence lamang..pero pwede din na sinadya.
Dahil umandar na naman ‘yung pagka-stalker ko at gustung-gusto kita makita, walang pasabi ako nagpunta sa inyo. Bahala na sa suot ko, kahit pambahay pa ‘to, ang gusto ko lang talaga mangyari eh makita ka kahit sa malayo at kahit makawayan man lang kita kung sakaling magkita tayo.
Umalis ako ng bahay, pumunta sa sakayan at naghintay ng jeep. Sumakay, bumaba, sumakay ulit tapos bumaba, tapos nakarating na ako sa village nyo. Doon ako pumunta sa madalas namin tambayan ng barkada ko, kasi medyo accessible ‘din yung lugar na ‘yun para makita ka. Naupo ako, at nag-abang lang kung sakaling may milagrong mangyayari.
Sampung minuto, dalawampung minuto, tatlumpung minuto, isang oras. Wala, kahit mukha akong tanga na naghihintay doon sa tambayan namin, ayos lang. Tsaka hindi ko naman ipinaalam sa’yo na pupunta ako. Sa totoo lang din, wala akong idea kung nandoon ka ba sa inyo ng mga oras na ‘yun.
Medyo inabot na din ako ng dilim, at medyo gutom na din, kaya bumili muna ako ng makakain sa kalapit na tindahan. Nung nakabili na ako, muli kong binalik ang tingin ko sa bahay nyo, nagbabakasakali na ma-feel mo lang na nasa labas ako ng bahay nyo. Pero iba ang nangyari sa inaasahan ko.
May napansin akong hindi kilalang tao, dahan-dahang pumasok sa gate nyo. Sinubaybayan ko ang bawat galaw nya. Mabagal ang kanyang kilos at mukhang may masamang balak sa inyong tahanan. Tahimik akong lumapit sa gate nyo at patuloy na sinubaybayan ang galaw ng tao. Pinipilit nyang buksan ‘yung pinto sa pamamagitan ng pagsungkit ng maliit na bakal sa butas nito. Bumukas ang pinto, at may narinig akong sumigaw.
Ikaw pala ‘yun, sobrang natatakot kasi hindi mo inaasahan ang tao sa pagbukas ng pinto. Dali-dali akong tumakbo papasok at sinunggaban ang lalake. Sinusubukan ko s’yang pigilan sa gagawin nya pero bigla akong may naramdaman sa tagiliran ko. Nasaksak nya pala ako sa tagiliran gamit ang maliit nyang kutsilyo, tsaka s’ya tumakbo palabas at paalis ng lugar.
Bigla akong bumagsak sa sahig. Tumulo ang luha mo, kasabay ng pagtulo at pag-agos ng dugo sa tagiliran ko. Nakuha ko pa ding magbiro ng, “hala! Hala! Mauubos na ‘yung dugo ko mamamatay na ako hala hala!” Pinalo mo ako kasi natawa ka pero halata naman na naaawa ka din sa lagay ko. Dumating ang mga kapitbahay nyo, at humingi ka ng tulong sa kanila. Agad namang dumating ang ambulansya at agad naman akong dinala sa pagamutan.
Matapos ang gamutan, kinausap mo ako. Sabi mo, “anong ginagawa mo? Buti nandun ka.” Sumagot ako, “wala, eh kasi gusto lang kita makita kaya ako nagpunta, nagbabakasakali kahit walang pasabi, baka lang naman ma-feel mo na nasa tabi-tabi lang ako ng bahay nyo at lumabas ka para hanapin ako.”
“Nakakainis ka.” Pinalo mo ako tapos niyakap mo ako. “Salamat Mart, ah?”
“Wala ‘yun, basta ikaw.” Sagot ko sa’yo.
“Oo na!” Sabi mo sa akin. Naguluhan ako. “Anong oo na? Anmeron?”
“Oo na. Tayo na. Mahal kita, Mart.” Niyakap mo ulit ako.
9:34 pm • 19 July 2011 • 3 notes
Ang mga mababasa mo sa post na ito ay isang fiction, o hindi nangyari o nag-exist sa totoong buhay. Kahit anong scenario na makikita o mabi-visualize mo dito ay purong gawa lamang ng imahinasyon ko.
* YOU AND ME COULD WRITE A BUS ROMANCE. (Oh whoa, whoa, caught in a bus romance.)
Alas tres y media ng hapon noon, nasa isang bus station ako sa Maynila. Pauwi na ako galing sa paaralan. Pagod, naiinitan, nauuhaw, nagugutom. Bumili ng tubig sa isang tindero, tsaka pumila para sumakay ng bus. Lumingon sa kanan, lumingon sa kaliwa. Wala akong makitang pamilyar na mukha. Pinawi kong muli ang uhaw ko mula sa binili kong tubig tsaka sumakay ng bus. Marami-rami ang tao na kasabay ko pauwi, sa sandaling mga minuto eh napuno agad ‘yung bus. Sa bandang gitna, gawing kanan ako pumwesto, kasi alam ko na mainit sa kabila, gawa na din ng pwesto ng araw sa biyahe pauwi. Nakadikit ako sa bintana, umaasa pa din na may makikitang pamilyar na mukha, para lang may maka-kwentuhan ako sa buong biyahe. Pero alas, wala talaga akong kakilala. Ginawa ko na lang yung kadalasang gawain ng mga lalake - ang humanap at tumingin ng magandang babae. Baka lang naman may makita ako, at least may maituturing na ako na “entertainment.”
Tinignan ko ‘yung umpisa ng pila, may dalawa. Sa bandang dulo tumingin din ako, merong isa. Nag-scan pa ako sa paligid tapos bigla akong natigilan sa nakita ko. Isang babae, hindi naman ganon gaano kagandahan, pero may itsura s’ya, yung tipong tama lang, hindi naman ganon kagandahan pero hindi naman maituturing na pangit. May kakaiba s’yang aura, na talagang nakapukaw ng atensyon ko.
Maganda pumorma, magaling magdala ng damit. Hindi naman ala-model ang katawan pero confident sa suot nya. Tinignan ko ang over all look nya, pasok na pasok sa physical standards ko para sa isang ideal na babae. Short haired, yung tipong pang-anime, na naka-layered, tapos sa tantiya ko eh mga nasa 5’3, mas malaki ako ng kaunti pagdating sa height. Nakat-shirt, nakatupi ang sleeves, at tight pants, tapos naka-chucks. Hindi naman ganun ka-puti, pero lampas sa kayumanggi ang kulay ng balat, tsaka makinis. Mamula-mula ang mga pisngi, hindi dala ng make-up, pero sa tingin ko eh natural na kulay ng mga pisngi nya. Maputi ang mga ngipin, at maganda ang mata, medyo tsinita. Medyo matangos din ang kanyang ilong. Mamula-mula ang labi, at makintab. Siguro dahil sa lip gloss. Hindi naman ganoon ka-payat, medyo makurba ang katawan, pero hindi lalampas sa sexy.
Sa tinagal ng pagtitig ko sa kanya, napansin ko na hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa palagay ko eh masayahin s’yang tao. Sa ganun pa lang, crush ko na s’ya. Yun nga lang, hindi s’ya umabot sa bus na nasakyan ko. Mga anim na tao sa pila, bago s’ya. Sa loob-loob ko, “shit! Sayang!”
Sumunod na araw, mas na-excite ako umuwi. Inagahan ko ang punta sa terminal, nagbabakasakaling makikita ko s’ya. Dumating ako doon ng mga bandang 2:50 PM, pero hindi ko s’ya makita. Sabi ko sa sarili ko, “siguro na-aga lang ang dating ko ng kaunti.” Napasyahan kong maghintay ng ilang mga minuto. Sampung minuto, dalawampung minuto. Tatlumpong minuto. Apatnapung minuto, wala. 3:30 na noon pero wala pa din s’ya. Nalungkot ako, hindi ko na yata s’ya makikita. Sumakay ako ng bus. Nagbakasakali ulit maghanap pero wala talaga. Haay.
Ikatlong araw. Lampas alas-tres ako dumating sa terminal. Puno na ‘yung bus na naka-pila, kaya naghintay pa ako ng panibagong bus na pipila. Habang papaalis na yung naunang bus, nakita ko s’ya sa gawing salamin. Napa-WTF yung expression ng mukha ko, sayang na naman! Ang late ko naman pala dumating, nagka-salisihan na naman kami sa oras. Nainis ako sa sarili ko, iniisip kung bakit ba ako lumampas at na-late ng dating at hindi kami nagkasabay.
Dumating ang sabado at linggo, at pagdating ng lunes ay na-excite na naman ako pumasok, hindi dahil sa lesson, kundi sa pag-uwi ko. Pero dahil sa pagod, medyo nawala din sya sa isip ko nung pauwi na ako. Gusto ko na lang makaupo, mapahinga. Naka-pila ako pasakay ng bus, sumakay, naupo ulit sa madalas kong pinu-pwestuhan. Mapungay ang mga mata ko na nagmamasid sa paligid, nang makita ko s’ya sa kabilang gilid, katapat ng inuupuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, pero hindi ko alam kung bakit. Center isle at dalawang upuan ang pagitan namin, pero grabe ang kaba ko ng mga oras na ‘yun. Sinusulyap-sulyapan ko s’ya, nagpapasimple ng tingin kasi baka mahalata. Ganun lang ang ginagawa ko sa buong biyahe. Nauna s’yang bumaba, kaya may idea na ako kung saan s’ya malapit nakatira.
Ikalimang araw. Inipon ko na ang lahat ng lakas ng loob ko sa katawan. Gusto ko s’ya kausapin. Gusto ko makipagkilala sa kanya. Hinintay ko talaga s’ya na makarating sa pila, tapos sumunod ako sa likod nya. Medyo stalker mode pero yun lang ang naisip kong paraan para makausap s’ya. Tumabi ako sa inupuan nya. Kinakabahan ako ng sobra, pero sinubukan ko pa din mag-isip ng sasabihin o itatanong sa kanya para makapag-initiate ng communication. Na-blangko ang isip ko, at nasambit ko na lang, “hi.”
Napatingin s’ya akin, medyo nawi-weirdohan ang expression, tapos sumagot s’ya ng, “ugh..hi din?” Since wala na akong masabi, dinerecho ko na lang s’ya.
“Ah, I’m sorry, pero last week pa kita nakikita dito, and..uhm..this may sound too awkward pero na-pukaw mo ang atensyon ko, tapos naging interested ako.”
“Oh..okay?” Nawi-weirdohan pa din ang expression nya, pero nakangiti pa din s’ya.
“Uhm..hi, ako si M. And you are?”
“Anne. Nice to meet you M.” Nakangiting iniabot nya ang kanyang mga kamay sa akin, senyales na makikipagkamay s’ya. Inabot ko din ang kamay ko para makipagkamay.
Tumugtog ang Getting To Know Each Other ni Gerard Kenny sa radyo. Nagke-kwentuhan kami sa buong byahe. Hindi ko ma-explain yung experience pero ang bilis namin naging comfortable sa isa’t-isa.
Bago s’ya bumaba, humingi ako sa kanya ng contact details. FB, cellphone number o kaya e-mail. Hindi nya ako pinansin, pero may sinabi s’ya sa akin.
“Kapag nag-abot tayo bukas sa terminal.” Sabay bumaba s’ya ng bus.
“Kapag nag-abot tayo bukas sa terminal? Ano ‘yun?” Tanong ko sa sarili ko. Pero isa lang ang siguradong gagawin ko sa susunod na araw, hihintayin ko s’ya.
10:50 pm • 5 May 2011 • 15 notes
Napagpasyahan kong mag-stroll sa isang park, medyo may kalayuan din sa bahay namin kaya nag-kotse na ako. Alas-tres ng hapon noon, dala ko ang camera ko at natripan kong kumuha ng mga larawan ng kung anu-anong mga bagay na nakikita ko.
Click!
Click!
Click!
Cli— oops!
Muntik ko na mapindot ang shutter. May biglang dumaan sa harap ko. Tinabi ko agad ang camera, at bumungad sa akin ang mukha mo.
Uy! Ikaw pala ‘yan! Kamusta? Anong ginagawa mo dito?
Wala lang, eto, nagmumuni-muni. Nagpapahangin. Ikaw?
Wala lang din, nagpapalipas ng oras, nagpi-picture ng kung anu-ano. Nagsasayang ng battery. Haha.
Tumabi ka sa kinauupuan ko. Tinignan kita. Natigilan ako saglit. Hindi ko na masundan ang mga salita ko. Hindi ko alam, pero nailang ako.
Napatanong na lang ako ulit.
So..kamusta?
Tinawanan mo lang ako. Alam ko, wrong move. Nakulitan ka siguro sa akin. Tumingin na lang ako ulit sa malayo at inakma ang camera. Pipindutin ko na ang shutter, nang bigla mo akong tinanong.
Ikaw? Kamusta?
Natawa ako sa’yo. Ibinalik mo lang sa akin ang tanong ko.
Hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko eh. Madaya ka.
Ngumiti ka na naman. Naguluhan na ako sa expression mo, hindi ko alam ang gusto mong iparating. Napakamot-ulo na lang ako, tapos nagsalita ka.
Hmm. Ayun, na-miss ka. Sabay yakap mo sa akin at humalik sa pisngi ko.
Poof!
Nagde-daydream pala ako. Iniling ko yung ulo ko, tapos tinignan kita. Tahimik ka pa din. Tinanong kita.
So..kamusta?
Ngumiti ka lang. Napakamot-ulo ako. Sabay nagsalita ka.
Hmm. Eto, as usual, nagmumuni-muni kung saan-saan, baka sakaling mag-krus ang landas namin.
Medyo nayamot ako sa sinabi mo, pero hindi ako nagpahalata.
Biniro pa kita. Uyy~ In love ka no? Hahaha. Swerte naman ng lalake na ‘yun.
Hinampas ko ako at sabay sabing, Tapos ako? Ano? Malas kasi hindi nya ako mahal?
Anong malay mo? Mahal ka din pala ng taong ‘yun. Teka nga, kailan ba kayo huling nag-usap? Ba’t parang wala kayong communication at nagagawa mong magmuni-muni at magbakasakali?
Yumuko ka. Matagal-tagal na din, ako kasi yung umiwas sa kanya eh. Natakot kasi ako, nailang ako nung una. Pero sya naman, ang bilis din sumuko. Linayo din nya ang sarili nya sa akin. Nakakainis nga eh. Pero mahal ko s’ya.
Lalo akong nayamot. Naalala ko ‘yung nangyari sa akin. Kumbaga, ikaw ang girl version ko.
Oh? Baka busy lang yung tao, baka din naman na-discourage kaya lumayo. Ewan ko ah, pero alam ko ‘yung pakiramdam. Been there, done that. And it sucks, right?
Sandaling katahimikan.
May pinaghugutan ah. Banat mo sa akin. Pero..
Pero ano? Tanong ko sa’yo.
Pero kasi, nakakatawa lang. Akalain mo, sa tagal ko s’yang hinahanap, dito ko lang pala s’ya makikita.
Nagulat ako. Oh? Andito s’ya? Saan? Turo mo naman!
Tinignan mo ako sa mata. Kinabahan ako, yung mga mata mo kasi, fierce.
Nakakainis ka. Bakit ka ba kasi umiwas?
Teka, ano? Ako ba ‘yung tinutukoy nyang lalake? Pero..teka. Naramdaman din nya yung naramdaman ko?
Pinalo mo na naman ako. Nakakainis ka! Ang hina mo naman! Bakit sumuko ka agad. Tapos bigla mo akong niyakap. Umiiyak ka. Niyakap kita pabalik, pinapatahan.
RRRRRRIIIIIINNNNGGGG!!!
Nagising ako sa alarm. Siyet, nananaginip lang pala ako.
Hay. Sayang.
10:30 pm • 25 February 2011 • 21 notes
Pagod sa byahe, dumerecho pa din ako sa school kahit kailangan ko na ng pahinga. Sa totoo lang, hindi ko talaga balak pumasok. Balak ko lang ipamigay ‘yung mga pasalubong ko at syempre, makipagkita sa’yo.
Tinext kita, pero tatlumpung minuto na ang nakakalipas pero hindi ka pa din nagrereply. Nalungkot ako, sa pag-iisip na iniiwasan mo na ako dahil sa mga nasabi ko. Nagpaalam na lang ako sa mga kaibigan ko na uuwi na lang ako kasi kailangan ko na magpahinga.
Malungkot, naka-yuto, naka-simangot akong sumakay ng jeep. Malamyang pinaabot ang bayad sa katabi, at bumalik sa posisyong malungkot tignan. Nag-vibrate ang cellphone ko.
“P’Mart! Pasensya na, nagpaload pa ako. Okay lang sa akin na magkita tayo. Saan? Ü ‘Wag ka na magalit please? Sorry na.”
Biglang nabuhayan ang dugo ko. Natatarantang pumara sa driver, sabay takbo pabalik. Tangina, anong pagod-pagod? Magkikita kami! Keri lang!
Excited ako. Magkakahalong kaba, saya, takot, at kung anu-ano pang emosyon ang nasa dibdib ko.
Malayo pa lang, natatanaw na kita. Binilisan ko ang lakad ko. Naka-ngiti ako ng wagas. In-approach kita.
“Hi! Kamusta! Na-miss kita ng sobra!”
Gusto sana kitang yakapin kaso baka mag-alangan ka. Naghahanap pa ako ng tamang timing.
“Eto, okay naman. Ikaw? Kamusta ang byahe?”
Ikaw ang unang yumakap sa akin. Natigilan ako. Ilang beses na tayo nagyayakap sa tuwing nagkikita tayo pero para sa akin, parang palaging perstaym ang lahat. Niyakap din kita pabalik.
“Ayun, masaya. Though nakakapagod, pero okay lang. Eto nga pala ang pasalubong ko sa’yo.”
“Ay, nag-abala ka pa.”
“Hindi, ayos lang ‘yun. Sa’yo talaga ‘yan.”
“Nagugutom ka ba?”
“Oo, eh ikaw?”
“Hmm, ayos lang. Saan mo gusto kumain?”
Naglakad-lakad tayo para maghanap ng makakainan. Nakakita ng isang food chain, pumasok, naupo muna saglit.
“Anong gusto mong kainin?”
“Kahit ano, ikaw ano bang gusto mo? Sige, sagot na kita.”
Nung una eh ayaw mo pa, kasi sabi mo nahihiya ka na at puro ako na lang ang nanlilibre. Ipinilit ko pa din na ako na ang bahala. Wala ka nang nagawa.
Habang kumakain tayo..
“Sa apat na araw na nawala ako, ikaw parin lang talaga ang nasa isip ko. Hindi ka nawala, sa pagtulog at paggising ko, ikaw lang ang hinahanap ko. Sa buong tinagal namin doon, iisa lang ang hiniling ko, ang maka-uwi agad para makita ka. ______, mahal kita. Pasensya na kung masyado akong mabilis, pero totoo lahat ang sinasabi ko. Para bang ang tagal na nating magkakilala, at masaya ako kapag kasama at kausap kita.”
Natigilan ka sa pagkain. Tinitigan mo ako. Kinabahan ako sa tingin mo. Tapos bigla kang ngumiti.
Itutuloy..
11:46 pm • 23 January 2011 • 12 notes