Para sa kasintahan ko sa hinaharap,
Gusto ko lang malaman mo na, ipagawa mo na ang lahat ng klase ng gawaing bahay sa akin, ‘wag lang ang paglalaba. Seryoso, kasi hindi talaga ako sanay. Kapag ako naglaba, flush ng tubig, kaunting basbas ng powdered soap tsaka hagis ng damit. Pisil-pisil. Banlaw. Tapos.
Sa totoo lang, nung minsan kong ginawa ‘yun eh pinagtatawanan ko pa ‘yung sarili mo, at sana ‘wag ka din mag-freak out sa ganung eksena dahil natural na sa akin ang mabaliw. Sana maintindihan mo na sobrang random kong tao, at gagawin ko ang lahat para maging masaya ako sa pinaka-mababaw na paraan.
Teka, sulat ba talaga ‘to para sa kasintahan ko sa hinaharap o warning para sa magiging kasintahan ko sa hinaharap?
Ewan. Sige, bye.
Nagmamahal,
Mart Singson