Ang weird na may random question para sa akin ‘yung kaklase kong sobra magbiro at hindi mo aakalaing magse-seryoso sa mga bagay-bagay tulad ng pag-ibig.
Paul: Mart, seryosong tanong. Madali lang ba mag-move on?
“Hindi.” agad ‘yung sagod ko sa kanya dahil bina-base ko lang ‘yung sagot ko sa karanasan ko. Tapos sasaktuhan naman ng isang GM ng taong kagabi ko lang nakilala na patungkol sa pag-move on.
Move on. Sabi nila iba-ibang klase ang pag-move on ng lahat ng tao dahil iba-iba din naman ‘yung nangyayari sa kanila. May madali, may mahirap na paraan.
Ako? Wala akong alam sa ganun. Siguro kaya stucked pa din ako.
Hay, ang drama na naman, tangina.