Gaano ba kasi kahirap sa babae na sabihin sa lalake na ayaw niya? Yung sabihin lang nila agad na wala na silang pag-asa. Hindi yung mukhang tanga yung lalake na patuloy na nakikiramdam kung gusto ba sila o hindi. Handa naman naming tanggapin ang rejections sa umpisang attempt o ilang attempt na namin makiramdam.
Napakahirap naman kasi sa isang lalake ang hindi pinapansin ng babaeng gusto niyang pagparamdaman ng pagmamahal. Kaso nababalewala kasi nga hindi naman pinapansin. Ang daming sumasagi sa isip, medyo naiipit sa mga bagay na aming binibitawan. Tapos kapag nakitang pumapaling na ang ulo at puso sa iba. Tska naman mag iinarte, tska mag dadrama sa huli.
Kapag walang pag-asa, sabihin agad. Para hindi dumadami ang taong umaasa at nasasaktan.