Nagkita kami ni Aya kanina para isoli sa kanya ‘yung netbook nya. Nakayuko ako kanina, tinanong nga ako “anong problema?” Sabi ko, “wala, kanina pa kasi ako sa harap ng pc.” Eh totoo naman, halos apat na oras yata ako sa harap ng pc kanina kasi wala kaming klase, engineering week daw, tsaka hinihintay ko si Aya sa oras ng labasan nya. Ah basta iyon na ‘yun.
Dapat kakain kami, ewan, basta kung anu-anong nangyari, napunta kami ng Dapitan. Oo lang kasi ako ng oo sa sinasabi nya, lutang nga ako ‘di ba. Tapos habang papalapit ng papalapit sa isang lugar na ‘yun, kinakabahan na ako, eto namang magaling kong bestfriend eh ipinipilit pa din ako sa lugar na ‘yun kanina.
Halos maiyak-iyak na talaga ako kasi ayoko talaga sa lugar na ‘yun, kesyo sinasabi ko sa kanya na “bakit pa ba tayo nandito? Masaya na ‘yung tao!” tapos s’ya naman, “maghe-hello ka lang! Tatanungin mo lang kung kumain na, ganun!” tapos tumayo na lang ako sa isang tabi, s’ya naman tinatanong nya kung nasaan si ano.
“Kumain lang ‘daw sa labas, pabalik na ‘yun, hintayin na natin!” Tapos naiinis na ako sobra kanina. Basta, nagta-tantrums, ‘yan yung saktong salita para dun.
Ha! Panalo ako, Aya!
Ayoko nga kasi, ‘di pa ako ready.
May tamang araw naman para ‘dun eh. :(