Sa paraan pa lang ng pagsagot ng babae sa’yo sa text o chat, malalaman mo agad kung interesado ba s’ya sa’yo o hindi. Mahaba mag-reply, o mabilis mag-reply, ‘yung kusang nago-open s’ya sayo, ibig sabihin nun interesado s’ya sayo. Syempre, pag maikli, ga-dekada mag-reply at maraming tinatago, sini-secret, at kung anu-ano pa, naku, tigilan mo na ‘yan kasi nag-aaksaya ka lang ng oras mo.