Kasi kailangan ‘yata ng mag-share ng kung anong nangyari. Wala naman actually, sa LRT pa lang nakakakita na ako ng flowers at couples at kung anu-ano pa. Na-late ako ng 30 mins sa first subject ko, ang masama pa doon eh midterms exam na pala. Sa Recto gate na din ako pumasok para di ko na makita ‘yung mga flower power sa Morayta.
Bale exams nga, hindi pa ako nag-review. Ayos, pero buti na lang may naisagot ako, partida pa nasa harap ako ng prof. Professional ako eh. Sa second subject naman, muntik na din mag-exam, buti na lang nadaan sa kaunting landi ‘yung prof kung hindi, yari ulit.
Tapos ayun, naghintay sa mahiwagang text ni Aya. Muntik na ako mag-rage kanina kasi halos 15 mins din yata ako naghihintay sa labas ng UST gate 1 para kunin ‘yung netbook nya. Pero okay naman, buti na lang nilabas ako. Munggago na talaga ako doon eh, iba-ibang tao na ‘yung mga nakatabi ko, ako nandun pa din. Hahaha.