Medyo kauuwi ko lang, mga tatlong kembot pa lang ang nakakalipas. Galing ako ng Pasig, kela Aya kasi nagpatulong ‘yung tita nya na i-reformat ‘yung PC nila, na sumablay ako kasi re-program lang nagawa ko. Anyway, okay pa din naman ang kinalabasan pero anytime this month, babalik ako doon para tapusin ‘yung trabaho.
Hindi na ako nagdalawang-isip nung magkausap kami kagabi na pinapapunta nya ako sa kanila kasi una, wala pa naman sa Pilipinas ‘yung mga magulang ko, pangalawa, may pera pa naman ako at pangatlo, batung-bato ako sa bahay namin kasi alam kong hindi din ako makakagamit ng internet kasi eepalan ako ng kapatid ko at wala namang gasolina ‘yung kotse.
At dahil sa kung anong nangyari ngayong araw ang kine-kwento ko, lalahatin ko na.
Unusual ang gising ko kaninang umaga. Ang ine-expect kong text na babasahin ko paggising ko eh mula kay Aya o kaya doon sa babaeng kinuhanan namin ng number, pero nakakagulat na si Ivy ang nakita kong nag-text. Tapos iyon, nagpapaturo lang pala s’ya kung paano mag-commute pauwi. Ni-replyan ko s’ya tsaka ako nag-agahan. Habang kumakain, nagkaka-text kaming dalawa kasi sinasabi ko ‘yung directions, etc. pero iba ‘yung dating nung message na “Pwede ka ba mamaya?” kasi lampas dalawang buwan na din kami hindi nagkikita. Okay sana kaso pumayag na ako kay Aya. Basta ‘yun na ‘yun, nakilig na ewan na hindi ko alam na natuwa lang yata na walang emosyon na lang ako sa sagot nya nung tinanong ko kung bakit.
Pagtapos magsimba, umuwi ako agad tapos nag-tanghalian, tsaka umalis na ako. Bale first time ko lang mapadpad sa gawing Santolan-Marikina-Rizal-Pasig, tapos sobrang sumunod lang ako sa directions ni Aya. Buti na lang hindi ako na-rape at buo pa akong nakarating sa kanila.
Ayun, medyo nakakahiya kasi halos kumpleto silang nandun, yung tita, lola, lolo, pinsan nya nandun. Pero sa totoo lang masaya ako doon kasi ang bait nila sa akin. Hehe.
Iyon nga, nag-fail ‘yung ginawa ko, pati ‘yung mga parafernalia, hindi ko expect na ganun ‘yung situation, akala ko madali lang eh. Ah basta, EXP din yun, sabi nga ni Aya.