Lately naka-realize ako ng mga bagay-bagay, lalo na sa tinatawag nilang “love life.” Sa tingin ko, kahit gusto ko magkaroon ng girlfriend o special someone, sa tingin ko eh hindi pa din ako handa. I mean, immature pa ako sa halos lahat ng mga bagay. Hindi ako sanay mag-handle ng isang situation na nagi-involve ng immediate decision making. Ayoko ng masyadong maraming inaalala, at saka ayoko ng may makulit. Hindi ko alam kung paano ang gagawin sa isang seryosong relasyon. Mas nage-enjoy ako ng naglalaro kesa nakikipaglambingan kasi hindi ako yung ganung tipo ng lalaki.
Bakit ko ba iniisip ‘yung mga ganitong bagay? Tangina oh.