Kahapon napagtripan namin ng college friends ko na mag-inom doon sa SM North. Ang yayaan talaga eh sa isang bar yata ‘yung sa may gawing UST pero hindi ko alam ‘yung nangyari kaya napunta na lang kami ng UST. Ah basta iyon, doon pa lang sa Morayta, nag-box out kami ng FX para kami lang ang makasakay. Walo kami, tapos kaya pa dalawa kaya nagsakay si manong driver ng dalawa pa. Isang taga-FEU, isang taga-UST. Basta iyon, maganda ‘yung taga-UST. Chinita tapos Archi pa ‘yung course. Sayang lang talaga, wala akong kapal ng mukha eh.
Bale iyon nga, nakarating kami ng SM North, tapos doon kami sa Sky Garden. Pagpasok pa lang nung venue, may napansin agad akong babae na maganda, tapos dalawa sila nung kaibigan nya. Pero dahil nga mahiyain ako, hindi ako gumawa ng move.
Tatlong bucket at dalawang klase ng sisig, starting. Habang tumatagal, nagkakaroon ng kwentuhan syempre. Alam nyo naman siguro ‘yung nangyayari sa isang inuman, mga palalim ng palalim ang usapan. Hanggang umabot sa ise-share namin iyong mga kwentong pang-MMK namin na tinatago.
Dahil ako ‘yung nag-suggest nun, ako ang nauna (tangina!). At dahil sa tingin ko wala namang aabot sa part na ‘to, ike-kwento ko na yung nangyaring usapan.
Mart - Dahil nga ako ang umpisa, sabi ko sa kanila magtanong sila ng gusto nilang i-kwento ko. Sabi nila, bakit daw palaging may Bee ‘yung mga account ko sa mga laro, kung bakit napapa-“AW!” ako basta may letter B o kahit ano. Pinakita ko sa kanila ‘yung contact ko, si Ivy. Tapos iyon nga, nagkwento ako ng nangyari, kung bakit hanggang ngayon eh may drama pa din ako (na dapat wala na).
Chris - Nalaman namin na halos kaparehas lang ng kwento ko ‘yung kanya, kaso ang mas masakit eh nahuli nya na may boyfriend na pala, nanliligaw pa din s’ya. Pero sobrang magbigay ng motibo ‘yung babae kaya..ayun.
Paul - Nalaman namin na playboy s’ya nung high school, at isa lang ‘yung sineryoso nyang babae. Tapos hindi nag-work out yung relationship, pero sobrang affected sya, hanggang 2nd year college yung babaeng iyon pa din yung gusto nya.
Rys - May babae s’yang sobrang gusto pero hindi nya magawan ng move kasi sobrang torpe nya. Gwapo naman sya kaso mahina dumiskarte kasi sobrang nahihiya.
Boss - Nalaman namin na may gusto s’ya sa isang prof sa UE, na kapatid ng ka-batch namin. May gusto, in a way na nagandahan lang sobra. Alam naman nating lahat na bawal ang student - professor relationship sa isang university. Iba kasi ‘yung aura nung prof na yun, tsaka kapag nginitihan ka eh talagang matutunaw ka.
Nics - Yung nag-iisang naging girlfriend nya, mahal pa din nya ngayon kahit wala na sila.
Lou - Sa kanya na yata yung pinakamagandang kwentong narinig ko kagabi. May nakasabay s’ya sa bus na babae, tapos hindi daw s’ya mapakali kasi ang ganda tapos gusto daw nya gumawa ng “the move” kasi he thinks she is the one. So iyon nga, ang sabi nya sa sarili nya, kakausapin nya at kukunin nya yung number nung babae kapag naglabas sya ng cellphone sa isang certain point of the trip. Eh naglabas ng cellphone. Tapos nilabas na nya lahat ng tapang sa katawan nya para kausapin yung babae. Successful naman, tapos nakipagkaibigan, later on niligawan. On the day na magkikita sila ulit, bigla s’yang nag-backout kasi feeling nya immature pa s’ya para sa isang serious relationship. Eh ayun, sasagutin na daw pala s’ya dapat nun kaso umurong s’ya. Simula nun, nawalan na ulit s’ya ng guts gumawa ng mga ganun.
Sab - Yung unang naging girlfriend nya noon, niloko at iniwan s’ya. Simula nun, sabi nya sa sarili nya na gusto nyang gumanti sa mga babae, kaya nagpaka-playboy s’ya ngayon. Kung sinu-sino nililigawan, tapos bigla din nya iiwan.
Kung umabot ka sa part na ‘to, salamat at congratulations.
Yung babaeng maganda na tinutukoy ko kanina, ginawan ng the move nung kaklase ko. Dine-dare lang namin s’ya na kuhanin yung number, tapos biglang tumayo, tsaka kinausap ‘yung babae. Hiyang-hiya talaga ako nun, kahit hindi ako yung kumukuha ng number. In the end, successful naman, nakuha namin yung name and number, at may bonus pa. Taga-UE Manila din s’ya at BSIT ang course nya.
12MN kami naghiwa-hiwalay, tapos nakarating ako ng bahay ng 1AM. Yung chix na kinuhanan namin ng number, ka-text ko na ngayon.
Ang pangit ko pala magkwento, nakakainis.