Humihingi ako ng dagdag na pera, sabi ko s’ya na bahala. Tapos binigyan ako ng isandaan. Tapos sabi ko, “isandaan lang?” Sabi nya, magkano ba gusto mo? Tumalikod ako tapos sabi nya, “yan ang problema sa’yo, hindi ka sanay mag-defend ng kung anong gusto mo eh.”
Edi sabi ko, “three hundred.” Para saan daw, sabi ko wala na akong pera. Tapos ang daming sinasabi, kesyong may pera pa naman daw ako na nakuha ko nung pasko, na ganito-ganyan. Sa loob-loob ko, bakit ko pa dedepensahan sarili ko eh babarahin mo din naman ako at wala din namang patutunguhan.
Gulo ng nanay ko. Nakakainis.