Sa totoo lang isa sa frustrations ko ang pagsasayaw. Sa tuwing nakakapanuod ako ng mga sayaw sa YouTube o kaya sa mga pelikula, napapa-“tangina!” talaga ako kapag magaling ‘yung sumasayaw. Sanay naman ako mag-appreciate ng sayaw, ako lang talaga ang hindi sanay kasi ang tigas ng katawan ko.
Tapos napansin ko na ang lakas din pala ng attraction ko sa mga dancer. Yung mga nagustuhan, muntikan at niligawan ko nun, puro mga sumasayaw.