Project 366 Day 36:
Ito ang common misconception sa mga engineering students, na kaya daw namin gawin lahat, as in lahat kasi nga engineering ‘yung course namin. Kung tutuusin, tama naman, pero ang mali kasi doon eh, ang tingin ng tao eh since kaya namin lahat, dapat kami na gumawa lahat.
Halimbawa iyong nanay ko, ang palagi nyang dahilan sa akin kapag may uutos s’ya, “eh engineering ka ‘di ba? Dapat kaya mo ‘yan!” Parang sinasabi nya sa akin, “ikaw na gumawa lahat ng ‘yan!”
So ang haba ng kwento ko, iyon nga, ako nagkabit nung blinds kasi engineering student daw ako.