February 2012
Ang weird na may random question para sa akin ‘yung kaklase kong sobra magbiro at hindi mo aakalaing magse-seryoso sa mga bagay-bagay tulad ng pag-ibig.
Paul: Mart, seryosong tanong. Madali lang ba mag-move on?
“Hindi.” agad ‘yung sagod ko sa kanya dahil bina-base ko lang ‘yung sagot ko sa karanasan ko. Tapos sasaktuhan naman ng isang GM ng taong kagabi ko lang...
2 tags
Ititigil ko na ‘yung Project 366. Yun lang.
3 tags
Sabihin agad pag ayaw mo.
matabangutak:
Gaano ba kasi kahirap sa babae na sabihin sa lalake na ayaw niya? Yung sabihin lang nila agad na wala na silang pag-asa. Hindi yung mukhang tanga yung lalake na patuloy na nakikiramdam kung gusto ba sila o hindi. Handa naman naming tanggapin ang rejections sa umpisang attempt o ilang attempt na namin makiramdam.
Napakahirap naman kasi sa isang lalake ang hindi pinapansin ng...
Kung taga-Bulacan ka at napupunta ng Walter Mart Plaridel, paki-tignan naman doon sa Sun Shop kung may wanted list.
Kanina kasi nagtatanong ‘yung barkada ko para magpa-micro sim para sa iPhone, kasi Sun na ‘yung gagamitin nya. Tapos ako naman ‘tong gagong kaibigan nya, nakakita ng free internet doon sa shop laptop. Kaming dalawa nung isa pa naming kasama, nag-browse ng porn site...
4 tags
Kanina nagpunta kaming Greenhills nung barkada ko kasi gusto naming kumain sa Jollibee doon (oo ‘yung Jollibee lang talaga pinunta namin dun). Pina-una kong umorder ‘yung barkada ko, tapos ako. Eh iyon, ang kinuha nya ‘yung one piece chix tapos may extra rice tapos nagpa-large ng drinks tapos may fries. Naka-P139 s’ya. Nung ako na, ang linaw ng sinabi ko na WALANG...
5 tags
I-Google mo nga Mart kung saan may nilagang mani sa P. Gil. :(
– Aya (@ayapot)
3 tags
Nagkita kami ni Aya kanina para isoli sa kanya ‘yung netbook nya. Nakayuko ako kanina, tinanong nga ako “anong problema?” Sabi ko, “wala, kanina pa kasi ako sa harap ng pc.” Eh totoo naman, halos apat na oras yata ako sa harap ng pc kanina kasi wala kaming klase, engineering week daw, tsaka hinihintay ko si Aya sa oras ng labasan nya. Ah basta iyon na ‘yun.
...
3 tags
Nung isang araw may nagtanong sa akin.
“Hindi ba dati, sabi pa niya sa’yo, “ang tanga naman ng mga babaeng nang-iwan sa’yo” o parang ganun ‘yung sinabi nya ‘di ba? Eh bakit pati s’ya, ganun din yata ginawa sa’yo?”
“Ewan ko.” Sagot ko sa kanya, tsaka ako tumingala. Tapos nakita ko ito.
2 tags
xeniasaurus:
Sentimental akong tao. Yun din siguro ung rason kung bakit hirap na hirap akong i-let go ang mga tao/bagay na naging importante o memorable sa buhay ko.
1 tag
1 tag
1 tag
3 tags
2 tags
Anonymous asked: Sept 12 birthday mo. Taga-UE ka, taking engineering (Hindi ko alam kung anong specialization). May mahal ka, pero 'di ka mahal. Happy Valentine's, Mart!
4 tags
Sa paraan pa lang ng pagsagot ng babae sa’yo sa text o chat, malalaman mo agad kung interesado ba s’ya sa’yo o hindi. Mahaba mag-reply, o mabilis mag-reply, ‘yung kusang nago-open s’ya sayo, ibig sabihin nun interesado s’ya sayo. Syempre, pag maikli, ga-dekada mag-reply at maraming tinatago, sini-secret, at kung anu-ano pa, naku, tigilan mo na ‘yan kasi...
Ilang beses ko kinunsulta ‘yung kaklase ko kung magbibigay ba ako ng tsokolate o flowers man lang. Oo sila ng oo, tapos ako naman ayoko ng ayoko kasi wala akong guts. Tanga ne’to, nagtanong na hindi pa ginawa.
Okay lang, wala namang patutunguhan ‘yun eh. Sigh.
Kwentong balemtayms.
Kasi kailangan ‘yata ng mag-share ng kung anong nangyari. Wala naman actually, sa LRT pa lang nakakakita na ako ng flowers at couples at kung anu-ano pa. Na-late ako ng 30 mins sa first subject ko, ang masama pa doon eh midterms exam na pala. Sa Recto gate na din ako pumasok para di ko na makita ‘yung mga flower power sa Morayta.
Bale exams nga, hindi pa ako nag-review. Ayos, pero...
1 tag
2 tags
2 tags
Babala:
Maging handa po tayo para sa tatamang lindol bukas, ika-14 ng Pebrero 2012, sa buong kapuluan ng Pilipinas, ngunit mas mararamdaman po natin ang mga pagyanig sa Metro Manila, lalo na sa Cubao, QC, Sta. Mesa, Manila, at Pasay City. Marapat na magbaon ng pamproteksyon gaya ng kapote o helmet ang mga magsyota o mag-asawa sa mga nasabing lugar upang walang bata ang mabuo. Salamat po.
Source: NSO
Pagbaba ko ng Morayta kanina, napa-“tangina?” ako kasi kaliwa’t kanan, may stand o booth ng flowers, bears at balloons na kulay pink at red. Hindi naman sa extreme na ang level ng bitterness ko pero, seryoso ba talaga ‘yung mga negosyante na ‘yun na tabi-tabi sila at bahala na kung may bumili o wala?
Mission failed din pala ako sa pagsunog sa Dangwa, namamatay...
2 tags
Medyo kauuwi ko lang, mga tatlong kembot pa lang ang nakakalipas. Galing ako ng Pasig, kela Aya kasi nagpatulong ‘yung tita nya na i-reformat ‘yung PC nila, na sumablay ako kasi re-program lang nagawa ko. Anyway, okay pa din naman ang kinalabasan pero anytime this month, babalik ako doon para tapusin ‘yung trabaho.
Hindi na ako nagdalawang-isip nung magkausap kami kagabi na...
writeinspace:
And I have pondered that no one searches for me, no one wonders where I am. I can stay home for weeks, and no one would bother ask where I have been in those times that I’m gone. No one would ask because no one noticed. Therefore I conclude that when I suddenly disappear from this world, no one would know, no one would notice, no one would search for my body.
Lately naka-realize ako ng mga bagay-bagay, lalo na sa tinatawag nilang “love life.” Sa tingin ko, kahit gusto ko magkaroon ng girlfriend o special someone, sa tingin ko eh hindi pa din ako handa. I mean, immature pa ako sa halos lahat ng mga bagay. Hindi ako sanay mag-handle ng isang situation na nagi-involve ng immediate decision making. Ayoko ng masyadong maraming inaalala, at saka...
1 tag
2 tags
Next time, ako naman ang mambabalewala.
Kahapon napagtripan namin ng college friends ko na mag-inom doon sa SM North. Ang yayaan talaga eh sa isang bar yata ‘yung sa may gawing UST pero hindi ko alam ‘yung nangyari kaya napunta na lang kami ng UST. Ah basta iyon, doon pa lang sa Morayta, nag-box out kami ng FX para kami lang ang makasakay. Walo kami, tapos kaya pa dalawa kaya nagsakay si manong driver ng dalawa pa. Isang...
Sabi nga ni Faye (@batangmilo), nakaka-urat na magpunta sa mga meet-up. Bakit? Eh maya’t-maya, meron. Ngayon meron. Bukas meron. Next week meron. Parang nawawalan na ng dating kasi napapadalas na ‘di ba?
Sus, hindi ka lang kasi makakapunta kaya bitter ka eh. LOL no. Kasi nga sobrang madalas, nakakasawa na.
Ah, bukas na lang ako magpapakita.
6 tags
“Minsan gusto ko nang sumuko sa pag-ibig, dahil sa panahon ngayon na coconut oil na lang ang virgin, tanghali na lang ang tapat, bilihin na lang ang nagmamahal, ihi na lang ang nagpapakilig, Motolite na lang ang pangmatagalan at M. Lhuilier na lang ang magpagkakatiwalaan. Langhiyang pag-ibig ‘yan.”
Ako ‘yung taong dinadaan lang sa biro ‘yung totoong nararamdaman. Yung tipong, akala mo mga banat pa din pero sinasabi ko na pala ‘yung totoo. Torpe eh. Kaya ang dalas kong maunahan ng ibang lalake sa babaeng gusto ko kasi ang bagal-bagal ko at puro lang ako paramdam, wala namang aksyon.
11:11 na pala. Anong wish mo? Naniniwala ka pa din ba dun?
1 tag
Sadyang may mga taong hindi papayag na mawala ka...
Humihingi ako ng dagdag na pera, sabi ko s’ya na bahala. Tapos binigyan ako ng isandaan. Tapos sabi ko, “isandaan lang?” Sabi nya, magkano ba gusto mo? Tumalikod ako tapos sabi nya, “yan ang problema sa’yo, hindi ka sanay mag-defend ng kung anong gusto mo eh.”
Edi sabi ko, “three hundred.” Para saan daw, sabi ko wala na akong pera. Tapos ang daming...
1 tag
Sa totoo lang isa sa frustrations ko ang pagsasayaw. Sa tuwing nakakapanuod ako ng mga sayaw sa YouTube o kaya sa mga pelikula, napapa-“tangina!” talaga ako kapag magaling ‘yung sumasayaw. Sanay naman ako mag-appreciate ng sayaw, ako lang talaga ang hindi sanay kasi ang tigas ng katawan ko.
Tapos napansin ko na ang lakas din pala ng attraction ko sa mga dancer. Yung mga...
3 tags
3 tags
1 tag
1 tag
2 tags
lechengletsugas asked: nagchecheck ka ng blogs?pa check naman!tnx!:)
1 tag
Nakakainis ‘yung mga babaeng babastedin ka tapos sasabihin sa’yo, “Okay lang ‘yan. Magkaibigan pa din naman tayo eh.” Hello? Sabog ka ba?